CHAPTER 49 - ROAD TO BRANDON

1500 Words

Sa ikalawang pagkakataon, muntik na naman akong lumampas sa bababaan ko. Ganito pala ang sitwasyon ng mga full-pledged adults. Hindi ko alam kung paano naitatawid ng mga magulang ko ang araw-araw namin. Hindi lang pala pag-aasikaso sa bahay at paglalaan ng panggastos ang pinoproblema nilang dalawa. Maaaring may mga bagay din silang itinatago sa amin katulad ng ginawa ko kanina kay Aira, para hindi na kami mag-iintindi na mga anak nila. Hindi man ako late ngayong araw, wala naman ako sa mood magtrabaho. Mula nung paglabas ko sa bahay namin, hanggang sa maka-upo ako dito sa upuan ko sa Verizon ay iyong problema ko sa bahay namin ang iniisip ko. “Okay ka lang?” “Stella?” “Stella…” Nagulat pa ako nang may tumapik sa balikat ko, kaya naman mabilis kong niingon ang balikat ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD