Isang pagkakamali nga lang ba iyong nangyari sa pagitan namin ni Brandon kagabi? Oo nga at hindi kami natuluyang mag-all-the-way, pero hindi pa rin kami dapat humantong sa ganun, lalo pa at wala naman kaming relasyon. “I am waiting, Stella…” sabi ni Brandon habang nakatunghay siya sa tsekeng pinipirmahan niya. Seryoso ko siyang tinitigan. Hindi ko lang siya matingnan nang masama. Gusto ko sanang tingnan siya nang masama at irapan siya nang matalim. After all, siya pa rin ang may-ari ng kumpanyang ito, at iginagalang ko iyon. Nakakainis lang kasi na kagabi ay okay naman kami, tapos ngayon ay biglang iba na ang trato niya sa akin. May pa-waiting-waiting pa siyang nalalaman ngayon, samantalang kagabi, atat na atat siyang halikan ako. Hindi nga siya nagselan sa lugar, kahit nasa tabing ka

