“Ikaw ba… kaya mo bang magsakripisyo para sa mahal mo sa buhay?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip ay nakatingin lang siya sa akin na para bang sa mukha ko matatagpuan ang isasagot niya. Sinalubong ko ang tingin niya. Interesado ako sa isasagot ni Brandon. Gusto kong malaman kung ano ba ang kaya niyang gawin. Mayamaya ay bahagya niyang ikiniling ang ulo niya. “Well, hindi pa ba sakripisyo itong sitwasyon ko ngayon? At a very young age, I took the responsibility of being the head of this company. When I am supposed to be, at this age, I should be still enjoying my bachelor’s life.” Mataman kong inisip ang sagot niya, habang nakatingin ako sa mukha niya at pinag-aaralan ko ang isinagot niya. “Napilitan ka lang ba sa sitwasyon mo na ‘yan?” “Napilitan? W

