Mabagal ang mga hakbang ko habang naglalakad papasok sa building ng Verizon, hanggang sa makarating ako sa Employee’s Entrance. “Magandang umaga, Stella. Parang nagpu-prusisyon lang ang lakad mo, ah,” natatawang bati sa akin nung guard na naka-duty doon. “Maaga pa naman kasi, Kuya. Para hindi ako pagpawisan. Chill-chill lang. Tutal, maya-maya pa naman si Sir Brandon,” nakangiting sagot ko kay Kuya Guard. “Ay, Stella. Kanina pa nandiyan si bosing.” Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ko. “Ha? Di nga?” “Oo. Mga fifteen minutes na sigurong dumating. Nagtaka nga kami at mas maaga siya ngayon kesa dati.” Agad na nag-panic ang sistema ko. Ano na naman kaya ang naisipan ng batang CEO na ‘yun at pumasok ng maaga? “Hala!” Nagmamadali akong nag-time at saka tumakbo na papasok sa loob

