“Good morning, Stella!” Mula nang nakilala ni Leslie si Luis o si Boyet, bihira ko nang maunahan siya sa pagasok dito sa Verizon. Lagi na siyang nauuna sa akin. Siguro ay nagkikita silang dalawa sa umaga at maaring nag-uusap na rin bago ng time -in namin. Hindi ko pa nga natatanong itong si Leslie, baka mamaya sinagot na pala niya si Boyet. Tipid akong ngumiti kay Leslie, kabaligtaran ng malapad niyang ngiti. “Good morning din.” “So ano, ready ka na mamaya na makipag-usap kay Brandon?” nakangiti pa ring tanong niya, halata ang excitement sa mukha niya. Napahinto ako sa pagbubukas ng computer ko. Saglit akong nag-isip, tapos ay nilingon ko si Leslie. “Hindi ko na lang itutuloy.” Iyong malapad niyang ngiti ay biglang naglaho. Sa halip, pagkagulat na ngayon ang nakarehistro sa mukha

