Pilit kong inalis ang pagkaka-ugnay ng tingin ko kay Brandon. Tila nangungusap ang kanyang mga mata. Parang may mensaheng gustong iparating sa akin. May kung ano sa tingin niya na parang gusto kong tuklasin. Tumikhim ako at saka pumasok sa loob ng kuwarto. Ultimo pagpasok sa kuwarto niya ay nagdudulot sa akin ng kaba, na hindi ko maintindihan kung bakit. “Wala kang naka-sched na appointment today, Sir. Cancelled po lahat, hindi ko alam kung bakit—” “I know. I was the one who cancelled them,” agaw niya sa sasabihin ko pa. “Oh.” Tumango na lang ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya patutunguhan ngayon. Hindi naman siya galit nang sabihin niya iyon. Aba, dapat lang! Wala naman akong kinalaman sa pagkansel ng mga appointment niya. Sarili niyang desisyon iyon kaya wala siyang karapat

