“Babe??” Kapwa kami napalingon ni Brandon sa gawi ng pintuan ng pantry. Naroroon si Kimberly, nakatayo, at salitan niya kaming tinitingnan ni Brandon. “Babe? Ano’ng ginagawa n’yo rito? I mean… Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit wala ka dun sa office mo?” Hindi ko alam kung ako lang ang nakahalata, pero parang may tono ng pag-aakusa ang pagkakatanong ni Kimberly. Pero sa totoo lang, may karapatan naman talaga siyang mag-akusa dahil sa ginawa namin ni Brandon bago siya dumating. Actually, kung hindi dumating si Kimberly, hindi ko alam kung saan na naman maaaring humantong ang halikan namin na iyon ni Brandon. Pok-maru ka talaga, Stella! Tumikhim si Brandon, kaya naputol ang iniisip ko. Napatingin ako sa kanya, pero kay Kimberly siya nakatingin. Pero base sa pagkibot-kibot ng nguso niya,

