[“Huy, Stella! Tara na. Ano ka ba?”] Sumimangot ako. “Eh, sabi nga ni Brandon hintayin ko siyang bumalik.” [“Stella?”] “Ano?” [“Tingnan mo ang relo mo kung ano’ng oras na.”] Sumunod naman ako kay Leslie at sinilip ko nga ang relo ko. “Magpa-five thirty.” [“So? Sa palagay mo, iyang oras na ganyan, babalik pa si Brandon niyan? Ikaw na nga ang may sabi, iyong babaeng may pekeng pagkatao ang kasama niya. Eh, iyong isang ‘yun, willing to give her everything kay Brandon. Eh, ikaw ba, ano ang kaya mong ibigay sa kanya? Sige nga…”] Nabigay ko na, Leslie… kung alam mo lang… “Eh...sabi niya nga kasi kanina babalik siya…” ["Hoy, Stella! Kung babalik man si Brandon, ano naman ang gagawin n'yong dalawa? Magdya-jack-en-poy?"] Kinilig naman ako sa isiping itutuloy namin ni Brandon ang nap

