CHAPTER 76 - PULL THE STRINGS

1893 Words

Hindi ko alam kung birong totoo, o gusto lang akong inisin ni Brandon kaya niya sinabi iyon. Pero hindi ko maalis na hindi maapektuhan. Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng mukha ko. Kasabay nun ay ang pagtawa ni Brandon. “Ano’ng nakakatawa?” kunot-noong tanong ko sa kanya. “Ang cute mo kapag nagba-blush ka,” parang teenager na sabi ni Brandon. Para pagtakpan ang pagkapahiya ko, inirapan ko siya sabay sabi ng, “tse!” Pero lalo lang akong tinawanan ni Brandon. “Alam mo, iyang pang-aasar mo sa akin ngayon, ipinupunta na sana natin doon sa loob. Sabi ko nga sa iyo, ako na lang ang pupunta sa loob, maiwan ka na rito.” Desidido na ako na lumabas na ng sasakyan ni Brandon, kaya naman yumuko ako para abutin ang lock ng seat belt ko para kalasin na iyon. Pero agad ding pinigilan ni Brandon a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD