Pagkadating namin galing sementeryo, dumeretso na ako agad sa kuwarto ko. Pakiramdam ko kasi ay nakalutang ang ulo ko sa ere. Kaya gusto kong mahiga muna. Iyon ang huli kong naaalala. Nagulat ako nang magising ako na madilim na sa loob ng kuwarto ko. Kinapa ko ang telepono ko sa mesa sa gilid at saka binuksan iyon para tingnan ang oras. Halos anim na oras pala akong nakatulog. Binuksan ko ang flashlight ng telepono ko, at saka ginamit iyon na gabay para mabuksan ko ang switch ng ilaw dito sa kuwarto. Pagkabukas ko ng ilaw, muli akong bumalik sa kama ko at saka naupo sa gilid nun. Blangko kasi ako kung ano ba ang susunod na gagawin ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin lang sa kawalan nang biglang narinig ko ang pagtunog ng tiyan ko. Sa unang pagkakataon mula n

