CHAPTER 34 - BAGONG STELLA

2069 Words

Pakonti na ng pakonti ang mga tao. Ang mga kapitahay, mga kaklase, mga kaibigan, at mga kaibigan ng mga magulang namin ay isa-isa nang nag-aalisan. Isa-isa nang nagpapaalam. Halos mga kapatid at kamag-anak na lang ng mga magulang namin ang natiitira. Tumatango na lang ako kapag may naririnig akong nagpapaalam sa akin. Salita ng pakikiramay, mahigpit na yakap, tapik sa balikat. Pero hindi ko magawang paglubagin ang kalooban ko. Kung alam lang ng mga taong nakiramay at nakipaglibing ngayon kung ano ang ginawa ko. Kung alam lang nila na kasalanan ko kung bakit may mababait na mga magulang na maagang nawala dahil sa kagagahan ng anak nila… baka hindi sila nakikiramay ngayon. Baka walang nakikisimpatiya sa akin ngayon. Kung hindi sana ako nagpadala. Kung hindi ko sana pinairal ang damdamin k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD