Muli kong nakagat ang ibabang labi ko nang bitawan ni Brandon ang mga labi ko pagkatapos naming magsalo sa isang masarap at senswal na halik. Sa totoo lang, nahihiya ako kay Brandon. Hindi ko alam kung ano ang naiisip niya tungkol sa akin ngayon. Maaaring iba na ang tingin niya sa akin ngayon. Malayo na sa magandang impresyon na gusto kong tumatak sana sa isip niya kahit wala na ako sa kumpanya niya. Naghinang ang aming mga mata. Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko kay Brandon. Pilit ko iyong binabasa. Gusto kong malaman kung sino talaga si Brandon Hizon? Ang nakikita ko ngayon sa mga matang iyon ay isang nilalang na puno ng tapang at lakas ng loob. Ganunpaman, sa kabila ng matapang na personalidad na iyon, hindi maitatangging may lungkot kang makikita sa mga mata na nasa hara

