CHAPTER 65 - IS THIS A JOKE?

1349 Words

Nagkunwari akong busy pagkatapos kong igawa at maibigay kay Brandon ang kape niya. Halos wala na nga ako maisipang isulat sa notebook ko sa school. Ginawa ko na siyang diary, kung saan isinusulat ko ngayon ang sama ng loob na nararamdaman ko kay Brandon. Gusto ko kasing makita ni Brandon sa CCTV niya na busy ako at hindi pwedeng abalahin dahil ayaw ko muna siyang makausap. Hindi ko naman magawang tuluyang magalit sa kanya. Paano naman kasi ang dali kong bumigay sa kanya noon.Kaya siguro naisip niya na alukin ako ng ganung kundisyon. Lalo pa at alam niyang gipit ako at nangangailangan ng pera. Nagpapasalamat na nga rin ako at hindi ako nabuntis dahil sa nangyari noong gabing iyon. Kung nagkataon, hindi pa ako nakahanda. At hindi rin magandang sumabay ang isa pang problema sa mga kasaluk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD