Nasa malalim akong pag-iisip nang tumunog ang message notification ng telepono ko. Si Nikko pa rin ba ito? Ano na? Hindi pa ba ako quota? Ano pa bang problema ang kailangan kong pasanin? Tiningnan ko ang bouquet ng bulaklak na nasa gilid ng mesa ni Ms. Cathy na inookupa ko kapag wala siya. In fairness, nakakatulong sa akin ang mga bulaklak na ito para mawala ang inis ko. Kung sino man ang nagpadala nito, mahahalikan ko ng mga ninety-nine times. Napangiti tuloy ako sa isipin kong iyon. Halik agad, Stella? Hindi mo pa nga alam kung kanino galing ‘yan. Baka mamaya, engkanto pala ang nagbigay sa iyo niyan. Bahagya akong natawa sa naisip ko. Engkanto talaga? Nang bigla kong naalala iyong mensahe sa telepono ko na hindi ko pa natitingnan. Dinampot ko na ang telepono ko para buksan iyon. Aga

