Kay Brandon na sasakyan yun, di ba? Mabilis kong tiningnan ang plate number para ma-confirm kung sasakyan nga ba ni Brandon ang paparating. Oo nga! Iyon nga ang plate number ng sasakyan niya! Ano naman ang ginagawa niya rito sa area na ‘to? Agad akong nagyuko ng ulo. Inangat ko ang isang paa ko at kunwari ay may tinitingnan ako sa ilalim ng sapatos ko. Papa God, sana po, hindi niya ako mapansin dito… Sana po hindi siya ang sakay ng sasakyan niya… Baliw ka ba? Sasakyan niya ‘yun, malamang siya ang sakay nun.l nPatuloy lang ako sa pagkukunwaring ginagawa ko nang may narinig akong bumusina sa tapat ko. Oh no… Pinigilan kong mapalingon sa gawi ng kalsada. Patuloy lang ako sa pagkukunwari ko na abala ako kaya hindi ko napapansin. Nang may biglang may ikumalabit sa akin. “Miss.” Sa

