CHAPTER 43 - LAGOT NA

1459 Words

Naghahain na kami sa mesa ni Aira nang pumasok si Nikko. Sabay kaming napatingin sa kanya. “Oh, Nikko. Mabuti naman at nandito ka na. Magbihis ka na para makakain na tayo,” sabi ko sa kanya. Hindi ako sinagot ni Nikko pero naglakad siya palapit sa akin. “Sino naman ‘yung naghatid daw sa ‘yo kanina?” “Ha?” Nagtaka ako kung paano’ng nalaman agad ni Nikko. Itatanong ko muna sana sa kanya nang unahan akong sumagot ni Aira. “Si Brandon, Kuya!” Awtomatik na lumipad ang tingin ni Nikko mula kay Aira papunta sa akin. Makahulugan niya akong tiningnan, na para bang sinasabing ‘pinag–usapan na natin ‘yan’to., di ba?’ Nagkibit-balikat ako. “Sino ba kasi’ng nagbalita sa iyo at may halong malisya?” sita ko sa kanya. “Si Carla. Sinalubong ako sa labasan.” Napaismid ako. Kaya pala naman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD