Mga katok sa pintuan ang nakapagpagising sa akin kinabukasn. “Ate! Tanghaii na!” Dahan-dahan pa akong nagmulat ng mga mata. Ano’ng oras na ba? Pakiramdam ko ay halos lumabas ang mga eyeballs ko sa socket ng mga mata ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at baka namamalik-mata lang ako dahil sa naalimpungatan ako ng gising. Pero hindi ako nagkakamali. Tama nga ang unang tingin ko sa orasan. Sh*t! Alas-sais na nga ng umaga! Dali-dali akong bumangon. Ang una kong pinuntahan ay ang pintuan ng kuwarto ko dahil wala pa ring tigil si Nikko sa pagkatok. “Bakit ngayon mo lang ako ginising, Nikko?” reklamo ko agad sa kanya pagkabukas ko ng pinto. “Ano’ng ngayon lang? Kanina ka pa kinakatok ni Aira. Hihingi siya sa ‘yo ng baon niya.” Napapikit ako at saka ko naihilamos ang kamay ko sa mu

