Alas otso na ng gabi nang ilipat si Aira sa isang regular na kuwarto. Siyempre, pang budget meal lang ang kaya ng bulsa ko kaya sa ward lang kami. Animan ang laman nitong ward room na ito, pero apat pa lang kami na umookupa kaya parang hindi crowded ang ambiance. Tulog pa si Aira dahil sa anestisya pero gumagalaw naman siya at nagpapalit-palit ng puwesto na parang natutulog lang nang normal. Nikko calling… “Nikko?” [“Kumusta na si Aira?”] “Nandito na kami sa ward. Nakalipat na siya, pero hindi pa siya nagigising dahil sa anestisya. Baka bukas pa raw sabi ni Dra Pecson.” [“Ganun ba? Ate…”] “Bakit?” [“Sinalubong ako kanina ni Aling Anita, eh. Kahit magkano raw magbigay tayo. May kailangan daw kasi siyang bayaran.”] Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko. Isa p

