Sa isang mamaling restaurant sila pumasok ng asawa, napaka solem at romantic ng lugar. Bagay na bagay sa mga couples. "Tumawag pala si Mama kanina, naglalambing na doon daw muna tayo matulog sa bahay," sabi ni Giovanni matapos makapag order ng kakainin nila. Sinulyapan n'ya ang asawa. Kinakabahan pa rin s'ya dahil hindi pa maalis-alis sa isip n'ya ang eksena kanina sa loob ng opisina ng asawa. Kung bakit naman kasi nasa timing ang dating ni Gab, kung hindi ito dumating malaman natuloy na ang ginagawa nila. "Is that ok with you?" He asked her. "Ah- yeah, yeah," wala sa sariling sagot n'ya at hinila ang baso sa tabi. Uminom s'ya ng tubig para mahimasmasan at mawala sa isip ang ang eksena nila kanina. "Good, after ng class mo aalis na tayo," sabi nito at tinignan s'ya sa mga mata. Napal