Naiinis s'ya sa sariling nagbihis, kung bakit naman kasi hindi n'ya mapigilan ang sarili kanina. "Nakakahiya," Mabilis s'yang nag-ayos ng sarili at bumaba na para harapin ang Papa ni Giovanni. Pagdating sa ibaba nasa sala ang mag-ama nag-uusap ang mga ito at sa mga naririnig n'ya ay tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito. Mabilis na tumayo ang asawa ng makita s'ya, sinalubong s'ya nito. Nahihiya s'yang tumingin sa asawa. "Good evening po," kiming bati n'ya sa Papa ni Giovanni. "Good evening hija," nakangiting bati nito. Magkatabi silang naupo ni Giovanni sa sofa, kaharap ang Papa nito. "Dumaan ka pala sa opisina ni Giovanni hindi kita nakita hija," simula ng Papa ng asawa. "Ah-" hindi n'ya alam ang isasagot. Dahil nagtungo s'ya doon para lang hintayin ang asawa, at 'yun