Mabilis na lumipas ang mga araw naipakilala s'ya ni Giovanni sa pamilya Saavedra. Mukha namang mababait ang mga kapatid nito sa ama. Tanging si Gael Saavedra lang naman ang hindi pa matanggap si Giovanni. Sa meeting laging nagpaparinig si Gael Saavedra na isang anak sa labas si Giovanni. Naiinis at nakakaramdam s'ya ng awa minsan sa asawa. Pero nakikita naman n'yang balewala lang sa asawa ang parinig ni Gael rito. Wala s'yang masasabi sa mga lalaking Saavedra lahat gwapo at malalakas ang appeal. Hindi na s'ya magtataka kung ganoon rin ang asawa, gwapo at sobrang lakas ng appeal. May mga asawa na rin ang mga kapatid ni Giovanni. At sa darating na weekend nakaplanong magtungo sila sa bahay ng Papa nito para makilala ang buong pamilya Saavedra. "Giovanni," tawag n'ya sa asawa habang nag di-d