"Ito na ang magiging opisina mo, as of now," sabi ni Giovanni sa kanya ng pumasok sila sa isang silid na ka connect ng opisina ng asawa. Sa Saavedra Mall ang isa sa mga opisina nito, at ito palang ang ikalawang beses n'yang nakarating sa opisina nito, madalas kasi on time ang asawa sa pagsundo sa kanya kaya walang time na s'ya ang pumunta rito sa mall. Pero sa tuwing natatagalan ito sa meeting sa Saavedra ay doon na s'ya mismo naghihintay sa opisina nito. "Ang ganda ng interior," bulalas n'ya. "Pina renovate ko and Gab did the design," nakangiting sagot nito, mula sa likod niyakap s'ya. "Gab is really great, may taste and unique lahat ng gawa n'ya," sagot n'ya at hinawakan ang mga kamay nito na nakapulupot sa katawan n'ya. "He is my brother eh," may pagmamalaking sagot nito sa kanya.