Mula ng mangyari ang insedente sa birthday ni Beth, hindi na s'ya nilapitan pa ni Chris, pati ang ibang mga ka eskwela n'yang lalake ay hindi na rin s'ya kinukulit pa gaya ng dati. Wala ng nagyaya sa kanyang kumain sa cafeteria o kumain sa labas, marahil natakot na ang mga ito kay Giovanni. Kaya naman nakapag focus na s'ya sa pag-aaral n'ya, dahil wala ng umiistorbo sa kanya sa campus. Idagdag pang lalong naging bantay sarado sa kanya ang asawa, lagi itong nakamonitor pagdating n'ya sa campus, hindi s'ya nasasakal o naiirita, bagkos kinikilig s'ya sa pinaparamdam na concern ng asawa sa kanya kaya naman lalo n'ya itong minamahal. Weekend kaya pupunta sila sa bahay ng mga Saavedra para makipag family bonding, weekly naman nilang ginagawa ang bagay na 'yon kaya nga close na n'ya ang mga asaw