Pagdating sa bahay ni Beth nagsisimula na ang party, marami na sa mga ka eskwela n'ya ang nasa party. Hindi naman ito ang unang party na napuntahan n'ya sa New York lagi s'yang sinasama ni Lauren sa mga ganitong party, at alam n'ya kung ano ang meron sa mga ganitong party. Alcohol and s*x, yan ang mga mayroon sa mga ganitong party, kaya nga nagpaalam muna s'ya sa asawa kung papayagan s'ya, at kung sakali ngang hindi pumayag si Giovanni hindi s'ya pupunta. Buti na lang pumayag ito at sumama sa kanya, kaya wala s'yang dapat ipangamba. Gaya ng inaasahan n'ya umaagaw ng atensyon si Giovanni sa mga kababaihan roon. Kitang-kita n'ya ang paghanga ng mga kaedaran n'ya sa asawa n'ya. Kaya naman halos ipalupot na n'ya ang mga kamay sa braso ng asawa, para malaman ng mga tumitingin na sa kanya lang