Nagmamadali s'yang nagtungo sa opisina ng asawa. Mabibilis ang mga hakbang n'ya sa pasilyo palang, masasabunutan n'ya si Abby sa patuloy na pagsunud-sunod sa asawa n'ya. "Higad talaga ang babaing 'yon," bulong n'ya habang nasa elevator na, buti na lang mag-isa lang s'ya sa loob ng elevator at nailalabas n'ya ng paunti-unti ang inis n'ya. Nakataas ang kilay n'ya ng batiin s'ya ng secretary ng asawa, tumango lang s'ya at nagtuloy sa loob ng opisina ng asawa. Pagpasok sa loob agad n'yang nakita si Abby na nakaupo sa may upuan sa gilid ng mesa ng asawa. Sabay pang napalingon sa kanya ang dalawa. "Iya, sweetheart," sabay tayo ng asawa sa kinauupuan nito at lumakad palapit sa kanya. Nakatuon ang mga mata n'ya kay Abby na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Nagtitimpi lang s'ya na huwag lap