Pagbalik nila ng San Sebastian halos hindi sila mapaghiwalay mag-asawa, masyado silang sabik sa isat-isa. Lalo na si Giovanni nagbago ang pakikitungo nito sa kanya, ang dating cold and silent treatment nito ay napalitan ng sweet and caring treatment. Sa tuwing susunduin s'ya ng asawa sa eskwelaan, hindi pwedeng wala itong dala kahit ano para sa kanya, madalas flowers. Sabi kasi ng asawa naging mabilis daw kasi ang mga pangyayari sa kanila kaya nais daw nitong magsimula muli, nais daw nitong ligawan s'ya ng pormal, tulad ng mga gusto ng mga kaedaran n'ya. Kaya naman halos araw-araw s'yang pinakikilig ng asawa. May pa dinner date pa ito minsan. Yung surprise. Kaya lalo s'yang nahuhulog sa asawa. Naisip nga n'ya kung sakaling matagal na nilang inamin sa isat-isa ang kanilang mga damdamin, ba