Kanina pa s'ya nakatitig sa asawang masarap ang tulog. Nakatulog ang asawa matapos n'ya itong angkinin sa kauna unahang pagkakataon. Nakita n'ya kaagad ang pagod sa mukha ng asawa matapos ang unang beses na pag angkin n'ya, kaya naman kahit nais pa n'yang angkinin ito ay pinigilan na lang muna n'ya ang sarili. Marami pa namang pagkakataon sa kanila ng asawa, maraming araw pa n'yang pwedeng angkinin ang asawa. Naangkin na n'ya si Iya, at napatunayan n'yang malinis ang asawa at mali lahat ng iniisip n'ya tungkol sa asawa. Mali ang akala n'yang nakipag relasyon ang asawa sa New York. Mali ang akala n'yang may isang Lauren na kasama ang asawa sa apartment nito. Lahat mali, walang tumama sa iniisip n'ya tungkol sa asawa. Napatunayan n'ya 'yon ng maangkin ang asawa. Nalipat ang mga mata sa puti