Ilang araw na mula ng makauwi s'ya ng San Rafael, sa bahay ng mga magulang s'ya nanunuluyan sa ngayon. Alam ng mga magulang na nagdadalang tao s'ya at alam din nilang may problema sila ni Giovanni ngayon, pero hindi n'ya masabi sa mga ito, ang tunay na dahilan, dahil nahihiya s'yang sabihin sa mga magulang at kapatid ang tunay na dahilan n'ya kung bakit iniwan ang asawa. Araw-araw naman nagpupunta si Giovanni sa bahay nila nagbabakasali itong kausapin n'ya. Panay padala ng mga bulaklak at kung anu-ano. Pati ang Mama nito ay nagpapadala ng pagkain, para sa kanya. Pero hindi pa s'ya handang harapin ang asawa. Lagi din itong tumatawag sa kanya pero hindi n'ya sinasagot. Nag se-send ng mga messages na laging humihingi ng sorry sa kanya. Pero ni minsan hindi pa s'ya nag reply kay Giovanni. Hin