Kanina pa s'ya nakatitig sa asawang natutulog pa rin. Sabi ng Doktor maayos na ang lagay ni Iya, kailangan lang nitong magpahinga pa at wala s'yang dapat ipag-alala sa kalagayan ng asawa, lalo na sa batang dinadala ng asawa, ligtas ang mag-ina n'ya. Nang malamang buntis ang asawa ay lalo s'yang nagalit sa sarili, dahil nagawa n'yang saktan ang asawang buntis. Ano bang nangyayari sa kanya at nagiging bayolente s'ya dahil sa selos. Hindi s'yang masamang tao, hindi s'ya nananakit, sadyang hindi lang n'ya mapigilan ang sarili pag nagseselos. "I'm sorry, Iya," bulong n'ya at hinawakan ang kamay ng asawa. "I'm sorry, sweetheart," patuloy n'ya at hinalikan ang kamay ng asawa. Nasabi na n'ya sa mga kapatid at Papa n'ya ang nangyari kay Iya, at kanina pumasyal na ang mga ito, para kumustahin an