"Giovanni, please," pakiusap ni Iya sa kanya habang tila naiiyak na ito. "Bakit Iya?!" Sigaw na tanong n'ya hindi pinansin ang pakiusap nito. Hindi n'ya mapigilan ang galit nararamdaman. "Anong pinag-usapa n'yo ni Louie? And how come na alam n'ya lahat ang tungkol sa atin?" Sunud-sunod na tanong n'ya sa asawa, sabay yugyog pa sa balikat nito. "Nasasaktan ako Giovanni, ano ba!" Tili nito. "Damn it! Iya!" "Sinabihan ko lang s'ya na tigilan na n'ya ko! Na huwag s'yang tumawag at lumapit sa akin," "Behind my back? Kahit alam ko ikagagalit ko ginawa mo pa rin!" "I'm sorry, gusto ko na kasi matapos ang lahat ng problema natin, gusto ko lang maging masaya na tayo," "Sa ginawa mo ba masaya tayo ngayon? Sa ginawa mong pakikipagkita kay Louie behind my back naging masaya ba tayo? Na solve b