"Hi, Giovanni," Napaangat ang ulo n'ya mula sa files na binabasa, at nakit si Abby sa may pintuan ng opisina n'ya. "Hey," walang emosyong bati n'ya at binalik sa files na binabasa ang atensyon. Buti na lang wala si Iya at nagpunta ng grocery, kung sakali sisimangot nanaman ang asawa at mawawala sa mood pag nakita si Abby, baka pagsimulan nila ng away ng asawa. Maganda pa naman ang simula ng araw nila. "Coffee," sabi ni Abby ng makapasok at tinaas ang bitbit na kape. Nagtaas lang s'ya ng dalawang kilay at tinuon ang buong atensyon sa ginagawa. Para hindi na lang magtagal pa si Abby sa loob ng opisina n'ya. Ayaw pa n'yang datnan ito ng asawa n'ya. "Abby, I'm busy marami akong trabaho ngayon, kung makikipag kwentuhan ka lang wala akong time," sabi n'ya kay Abby, dahil 'yon naman ang to