"Pag maagang natapos ang meeting, lilipad tayo pa Isla," sabi ni Giovanni sa kanya habang naglalakad sila sa papasok sa opisina nila. "Iya," Napalingon s'ya at nakita si Louie sa di kalayuan. Napatigil s'ya sa paglalakad at sinulyapan ang asawa sa tabi. Nakita n'ya ang pagdilim ng mukha ni Giovanni habang nakatingin kay Louie. Kung ano ang ginagawa ni Louie rito ay hindi n'ya alam, at kung paano nalaman ni Louie kung saan ang opisina n'ya. Kagabi naging maayos na ang lahat sa kanila ng asawa. Naipaliwanag n'yang mabuti na isang kaibigan lang para sa kanya si Louie. Wala s'yang nilihim sa asawa. Sinabi din n'yang nanligaw sa kanya si Louie noon, at agad naman n'yang tinapat ito na wala itong maasaha sa kanya dahil may asawa na s'ya. Sinabi din n'ya sa asawa na kinulit-kulit s'ya ni Louie