Nagkayayaang silang apat na kumain ng sabay. Nais man n'yang tumanggi dahil halatang ayaw ni Giovanni dahil kay Louie, nahihiya naman s'yang tumanggin kay Lauren. Nakilala n'ya ang magkapatid sa New York, sa pagkakaalam nga n'ya taga San Sebastian ang magkapatid. Kaedad n'ya si Lauren Kuya naman nito si Louie. "Grabe Iya, you are still beautiful and gorgeous as you are," masiglang sabi ni Lauren, habang kumakain sila. Ngumiti lang s'ya at tahimik na sinulyapan si Giovanni na tahimik lang na kumakain, ganoon rin si Louie na biglang sumeryoso ang mukha. Pansin n'ya ang pasimpleng sulyapan ng dalawang lalake. Hindi tuloy n'ya alam ang iisipin. Matapos ang lunch agad na silang nagpaalam ni Giovanni sa magkapatid. Katulad ng dati hindi nanaman napigilan ni Louie na yakapin s'ya. "I miss you