Dalang-dala na s'ya sa gingawa sa kanya ni Giovanni, hindi na nga yata n'ya mapipigilan pa ang sarili at bibigay na s'ya sa asawa. "I need you, Iya," he whispered. "Please, Giovanni," she answered. Lalo pa n'yang siniksik ang mainit na katawan sa nag-aapoy na katawan ng asawa. Kung dito mangyayari sa loob ng music room ang unang karanasan n'ya, kailanman ay hindi malilimutan. Nang biglang napansin ang umiilaw na cellphone sa may mesa katabi ng kinauupuan ng asawa. Naka silent 'yon kaya hindi nila naririnig ang pagtawag, pero kitang-kita n'ya sa screen nh cellphone nag pag flash ng pangalan ni Abby. Abby Alegre. Daig pa n'ya ang binuhusan ng malamig na tubig ng mabasa ang pangalan sa screen. Natigilan s'ya at mariing napapikit ng mga mata. Sa New York pa lang nagkita ang asawa at si Ab