Ilang sandali pa nga at natanaw na ni Corazon ang sasakyan na lulan si Fidel at si Janine. Agad niyang sinalubong ang dalawa tsaka mahigpit niyang niyakap ang asawa. Nagulat naman si Fidel dahil sa ginawi niya halata ang pagkagulat sa mukha nito. "Asawa ko kakaalis lang namin kanina parang napakatagal na panahon ko namang nawala, kung makayakap ka diyan." natatawang wika pa ng kanyang asawa. "Wala lang namiss lang kita sobra. Ikaw talaga para niyakap ka lang eh, ayaw mo bang mayakap ka ha," natatawang wika niya dito. "Hindi naman sa ganoon asawa ko, kaya lang medyo naninibago nga ako dahil parang may bago sayo ngayon at saka nandiyan si Janine. Ikaw talaga, syempre nakakahiya naman sa kanya dahil masyado tayong showy 'di ba." kakamot-kamot pa sa ulong wika nito. "So, eh ano naman kung

