Pagdating nila sa lugar na pinagtatalian kay Khalil, isa na itong mabangis na halimaw na animo gutom na gutom at halos magwala ng makita sila. Halos tumayak ang laway nito habang nakamasid sa kasama niyang si Janine noon na bagama't mababakas ang takot sa mga mata ay puno iyon ng determinasyon na ituloy ang plano. Katulad pala niya ay talagang nabubura din ang ala-alang kanyang anak kapag tuwing kabilugan ng buwan. Maging siya ay tila hindi na nito kilala. Pero mas pabor iyon para wala ng maging problema sa gagawing ritwal. Iyon nga lang masakit sa kanyang masaksihan ang katapusan ni Janine, sa kamay ng taong mahal nito. Pero wala naman siyang magagawa dahil iyon ang desisyon nito. Syempre iyon nga lang ang susundin niya para na rin sa kagustuhan ng kanyang anak na mawala ang sumpa

