"AHHHH ASAWA KOOOO! CORAZOONNNN..." walang tigil sa kakaiyak na sigaw ni Fidel habang yakap yakap ang asawang wala ng buhay. Kaya pala hindi niya maramdaman si Janine kanina habang kasama niya ito na patungo sa kinaroroonan ni Khalil. Dahil ang kasama pala niya ay ang kanyang asawang nagpanggap bilang si Janine. Kaya pala gano'n ang pakiramdam niya at yung mata nito na hindi niya napansin. Hindi man lamang niya naiisip na maaaring gawin iyon ng kanyang asawa may kakayahan kasi itong manggaya ng anyo ng kahut na anong hayop at kahit na tao man. Alam niya ang kakayahan nito pero hindi man lamang niya naiisip na maaaring mangyari ang bagay na iyon. Hindi man lamang niya naiisip na gagawing iyon ng kanyang mahal na asawa. Hindi man lamang niya naisip na ipapalit nito ang sarili nito sa k

