Halos maduwal si Janine sa nasaksihang tagpong iyon. Hindi niya akalain ng magagawa ni tita Corazon na isakripisyo ang buhay nito para sa kanilang dalawa ni Khalil. Hindi niya lubos maisip kung papano tatanggapin ng kanyang mahal kapag bumalik na ito sa dati nitong katauhan ang lahat. Baka mabaliw ito kapag nalaman nito na mismong ina nito ang pinatay nito para lamang maging normal na itong tao. At hindi rin niya masikmura ang nasaksihang paglapa nito sa puso ng mismong ina ni Khalil. So ibigsabihin gano'n pala ang mangyayari sa kanya kung siya ang nasa kalagayan ni Tita Corazon. Pero parang mas gugustuhin pa nga sana niya na siya ang nasa kalagayan nito kaysa naman maging kawawa si Khalil, at masaktan ito kapag nalaman nito na ito mismo ang pumatay sa sarili nitong ina. Okey pa sig

