"A-Anong sinabi nyo Daddy? W-Wag naman po kayong magbiro ng ganyan oh. P-Papanong... B-Bakitttt? H-Hindi po totoo iyon diba? Sabihin nyo s-sa'kin na nagsisinungaling lamang kayo!" paputol putol ang boses na tanong ni Khalil sa ama nito pero mababakas sa mukha nito ang pagkagimbal. Siya naman ay minabuting lapitan na lamang si Khalil sana ay aalis na siya sa lugar na iyon para hindi na niya masaksihan pero parang hindi niya kayang iwan si Khalil sa ganong sitwasyon. Hindi umimik ang Daddy ni Khalil na si Tito Fidel bagkus umiyak lamang ito ng umiyak habang nakatingin sa walang buhay ng katawan ng asawa nito at ginagap ang palad niyon. "J-Janine, sabihin mo naman sa akin oh, 'di ba hindi naman totoo yung sinasabi ni Daddy. Please s-sabihin mo naman sa akin oh, maawa ka... Sabihin mo sa

