Kabanata 127 Kasabay ng pagbukang liwayway sa bayan ng San Miguel, pumutok ang balitang inatake ng aswang si Donya Corazon. Butas ang dibdib wala ng puso at tuluyan na itong namatay. Pilapila ang nakikiramay sa kanilang mansion pero nakiusap si Don Fidel na huwag na lamang imbestigahan ang kaso ng kanyang asawa dahil natitiyak niya na ang aswang ang may kagagawan niyon dahil nagsinungaling siya na nasaksihan niya mismo ang lahat. Humingi din ng privacy si Don Fidel sa mga taga mamamayan ng San Miguel, hindi na niya pinahintulutan na pumasok ang ito dahil ayaw niya ng maingay at ayaw din niyang makita ng iba ang nangyari sa kanyang asawa. Hindi na rin niya nais iburol pa ang kanyang asawa. Sabagay sana'y naman ang mga tao doon na kahit na may mga namatay ay hindi na rin nagbuburol sa

