"So ibig sabihin daddy mo pala si Tito Fidel? Kaya pala gano'n na lang iyong concern niya sayo noon. Ikaw talaga napakarami mong lihim sa akin wala naman sanang problema kung sinabi mo lahat sa akin iyon. Alam mo naman na lagi kitang inuunawa hindi ba, tsaka siguro sa una lang ako matatakot, parang katulad kagabi sa una lang din ako natakot tapos nagawa ko pang tumabi sayo. Nakatulog ako ng hindi ko nalalaman at saka kahit naman ganon kagabi. Alam ko sa sarili ko na hindi mo ako sasaktan, alam ko yun at saka parang nakikilala mo pa nga rin ako kagabi." mahabang pahayag ni Janine. Ipinagtapat na kasi niya dito ang lahat. Maging kung sino din yung nagpakilala dito na Tito Fidel at sinabi din niya kung saan nagsimula at ano ang dahilan kung bakit siya may ganoong kalagayan. Natanggap naman