SAMANTALA SA PROBENSYA "Sigurado ka bang okey lang ang ating anak? Isang linggo na ang nakararaan simula ng mag birthday siya siguradong naging katulad na natin siya. Pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi ang anak mo? Bakit hanggang ngayon tinitikis pa rin niya ang kanyang sarili. Sa tingin mo pumatay na kaya siya? Sa tingin mo nambiktima na rin kaya siya? Asawa ko nag-aalala ako sa anak natin Ano na ba kasing balita? Hindi pwedeng hindi siya tumikim ng dugo at laman dahil ikamamatay niya iyon. " naluluha nga wika ni Corazon sa kanyang asawa. Paano ba naman hinihintay niya at inaasahan niya na matapos lamang ang kaarawan ng kanyang anak ay uuwi na ito ulit sa kanilang probinsya. Pero hindi nangyari ang kanyang inaasahan dahil isang linggo na hindi man lamang nito naisipang tumaw