Nadagdagan ang takot na bumabalot sa buong mamamayan ng San Miguel dahil sa sunod-sunod na pagpatay ng aswang sa mga tanod at mga nagvolunteer na magronda. Usap-usapan sa buong bayan ang kahindik-hindik na sinapit ng mga kaawa-awang volunteer na ang nais lamang naman ay makatulong sa mamamayan ng San Miguel. Hindi pa nasiyahan ang aswang dahil maging ang buong pamilya ng mga ito ay dinamay pa sa pagpaslang. Animo naghihiganti ang aswang dahil sa muntik na itong mapatay ng mga nagroronda. May mga nagsasabi din na hindi lang isa kundi marami ang aswang, ibigsabihin ay buong pamilya iyon kaya naman lalong nahintakutan ang mga tao. May mga haka-haka din na taga San Miguel lamang ang aswang at kilala ng mga ito ang mga binibiktima nito lalo na ang mga tanod. Dahil kung taga-ibang lugar ang