Bago mag lunch ay nagpasya ng umalis si Fidel para bumalik sa probensya. Muli itong humingi ng tawad sa kanya dahil sa nagawa nito pero hindi na lamang niya ito pinansin mas mainam na iyon. Na alam nito na hindi niya nagustuhan ang ginawa nito at galit siya dito para hindi na ito mag pilit pa na magkaayos sila, pati na ang kanyang Mommy. Nagtatanong nga si Janine dahil bakit daw hindi niya kinakausap ang kanyang Daddy na ang pagkakaalam nito ay uncle niya. Hindi na lamang niya ito sinagot, baka kasi may masabi pa siyang hindi tama mahirap na. Kinahapunan ay minabuti nilang gumala ni Janine. Nagtungo muna sila sa simbahan ng Baclaran at doon nagpasalamat siya dahil hindi nito pinahintulot na may mangyaring masama kay Janine. Hindi man niya kayang aminin ang tunay na nararamdaman sa babae