Sa Probinsya. "Asawa ko, malapit na ang kaarawan ng anak mo. Nangangamba ako sa maaaring mangyari sa kanya." Wika ni Corazon na noon ay nakahiga sa braso ng asawang si Fidel. Katatapos lamang nilang magniig na dalawa hindi sila sumalakay ng gabing iyon dahil hindi naman kabilugan ng buwan. Kapag ganoong panahon, nananatili lamang silang mag-asawa sa loob ng bahay. Tuwing kabilugan na lang ng buwan sila sumasalakay na mag-asawa. Hindi na niya hinahayaan pa na mag-isang sumalakay si Fidel dahil baka mapahamak na naman ito. "Huwag kang mangamba sa anak mo asawa ko dahil matalino ang anak mo at alam ko na malalampasan niya ang pagsubok na iyon. Sa unang araw at sa mga susunod na araw lamang naman siya mahihirapan. Kapag na gamay na niya kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin kapag in