Isang araw bago ang birthday. Naghanap si Janine ng maaari nilang pagdausan ng birthday ng kanyang mahal. Malapit lamang sa kanilang bahay ang nais niyang venue pero dahil wala siyang nahanap ay minabuti niya na mag order na lamang ng mga pagkain para sa birthday nito. Ayaw sana ng kanyang mahal na may ganito, pero hindi naman siya mapapanatag na ganon na lamang. Kailangang maging special ang kaarawan nito. Pero syempre lahat ay seafoods, gulay, isda, at mga kakanin lamang iyon. Syempre hindi naman kumakain ng karne ang kanyang mahal. Hindi 'yun alam ng kanyang ni Khalil. Iyon ay surprise niya para naman kahit papano ay masiyahan ito sa birthday nito dahil ayaw na ayaw kasi nito na maghanda. Pero naaawa kasi siya dito dahil palagi na lamang itong walang handa sa tuwing birthday nito