"Happy birthday Mahang ko, thank you sa lahat ng pagmamahal at pag-aaruga sakin. Bilang isang kuya at ngayon ay kasintahan na. Gusto kong malaman mo na super proud ako sayo dahil naging mabuti ka sa akin at sa mga taong nasa paligid mo hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal. Wish ko na sana magkaroon ka pa ng mahabang buhay at palagi ka sanang maging masaya. Syempre palagi ka sanang maging masaya sa feeling ko dahil pakamamahalin kita habang ako'y nabubuhay, iyan ang pangako ko." madamdaming pahayag ni Janine nang magising na ang kanyang mahal. Ito ang unang beses na nagising siya sa mismong birthday nito na katabi niya ito at mukha nito ang una niyang nakita. Napakasarap pala sa pakiramdam ng ganoon na katabi mo ang mahal mo tapos special day nito, tapos ikaw yung unang-unang taong b