"Janine bukas na 'yan matulog ka na, hayaan mo na iyang mga hugasan. Gabi na kaya mabuti pa matulog ka na. Pasensya na talaga ako naabala ba kita ha." Nahihiyang wika ni Khalil kay Janine na noon ay balak pa yatang hugasan ang mga pinggan na kanilang kinainan. Anong oras na kasi dapat nagpapahinga na ito. Dapat nga siya na lamang ang gumawa niyon dahil sa totoo lang, gulong-gulo pa rin siya sa kanyang napanaginipan. Hindi pa rin mawala-wala ang kabang nararamdaman niya para sa kanyang mga magulang. Kung mapupwede nga lamang na sumaglit siya sa probensya ay gagawin niya kaya lang parang kinain na rin niya ang sinabi niya noon na hinding-hindi na babalik sa lugar na iyon. "Ahh sige po Kuya, bukas na nga lang po siguro medyo inaantok na rin po talaga ako. Siguro magpapahilan lang ako ng k