SA PROBENSYA Kasalukuyang tumatakas Si Fedil sa mga taong humahabol sa kanya ng mga sandaling iyon. Gaya ng pangako niya sa kanyang mahal na si Corazon, naghanap sana siya ng bagong silang na sanggol para sana mawala na ang kalungkutan nito sa pag ka-miss sa kanilang anak. Iyon kasi ang pinakamasarap na putahe para sa kanilang mag-asawa. Lalo na sa kanyang pinakamamahal na si Corazon walang katumbas ang sarap at linamnam ng malambot na karne ng bagong silang na sanggol. Walang kahit na ano pang klase ng karne ang makakatalo sa sarap ng karne ng isang bagong silang na sanggol. Ngunit hindi niya akalain na handa at naka-alerto pala ang pamilya ng nanganak. May mga bantay pala ito habang nanganganak sa bahay at hindi niya napansinin dahil nakatago lamang sa dilim. Grupo iyon na binuo