Kahit na anim na taon na nakararaan tandang-tanda pa rin ni Khalil ang daan na ito. Ang bawat kurba ng daan ,ang bawat nadadaanan na mga bahay, pati na ang mga matatandang puno na dati niyang pinagmamasdan kapag nagtutungo sila sa bayan. Lalo na kapag kasabay niya ang kanyang Mommy na panay ang turo niya sa mga puno tapos pinapaliwanag naman iyon ng kanyang Mommy kung anong tawag doon. Gano'n kasi talaga ang kanyang Mommy napaka tyaga agturo nito kahit na iyong mga hayop na nakikita nila sa daan ay pinapaliwanag pa nito sa kanya. Masyado itong matalino at maraming alam kaya hindi talaga niya matanggap na isa pala itong halimaw. Habang papalapit sila ng papalapit sa kanilang tahanan ay mas tumitindi ang kanyang kaba parang hindi pa siya handang makaharap ang kanyang Mommy at makum

